Een Open Brief Aan Jehovah's Getuigen en het Wachttorengenootschap (Tagalog)

 

Mahal na mga kapatid,

Bilang mga Saksi ni Jehova at ministro ni Kristo, ang ating pangunahing pinagkaka-abalahan ay ang parangalan ang pangalan ng Diyos; at manatiling walang bahid mula sa daigdig. Upang matupad ang ganitong tunguhin ang Batayang Torre ay palagiang nag-uudyok sa atin na buong katapangang ihayag ang mga mali ng sang-Kakristiyanohan at ang hipokrasiya nito at tumayo para sa katotohanan. Ngunit ano ang ating gagawin kung ang Bantayang Torre mismo ang magkasala ng mahalay na hipokrasiya? Ano kung ilan sa ating mga nangugunang mga kapatid ang mismong walang pananampalatayang yumurak sa pangalan ng Diyos? Ano ang dapat gawin ng mga Saksi ni Jehova? Atin pa rin bang ihahayag ang hipokrasiyang religiyoso kahit saan ito umiiral o manahimik na lang tayo? Hindi ito haka-hakang mga katanungan mga kapatid. Ito ay isang sitwasiyon na nakaharap sa atin ngayon. Bilang isa sa mga pinahirang Saksi ni Jehova, pinili kong magsalita ngayon, ano man ang kahihinatnan nito.

Sa maikling sabi, ito ang mga pangyayari: Noong 1992 ang Bantayan Torre ay humiling at tinangap naman ng Nag-kakaisang mga Bansa bilang NGO. Ngunit ano nga ba ang NGO? Ang NGO ay isang non-governmental organization na opisyal na kilala ng publiko at gumagamit ng kanyang impluwensiya upang itaguyod ang Nag-kakaisang mga Bansa at ang mga layunin nito. Nang halos sampung taon ang Bantayan Torre ay lihim na nalingkod bilang internasiyonal na NGO.

Ngunit nang ipinahayag ng periyodikong London Guardian ang istorya noong Octobre 2001, (Kalakip) dali-daling binawi ng Bantayang Torre ang kanyang pagka-miyembro. Pagkatapos ng dagsa-dagsang mga tanong galing sa larangan, ang Bantayang Torre ay nagbigay ng isang paliwanag sa Guardian at sa mga sanggay sa buong mundo, na nag-sabi, na ang tangging dahilan nang pagigigng NGO ay upang magamit ang aklatan ng UN at iba pang mapagkukunan. (Liham ng sanggay kalakip)

Ngunit hindi totoo na ang Bantayang Torre ay kailangang maging NGO upang makagamit ng aklatan ng UN. Ayon sa punong tanggapan ng Dag Hammarskjöld library, bago ang 9-11 kahit na sinong mananaliksik o estudiyante ay maaring makahingi ng temporariyong passes sa mga facilidad ng UN. Noong lang pagkatapos nang pagsalakay terorista ng Setiyembre 11, 2001, na hinigpitan ang sekuridad, at ang maari lang gumamit ay ang mga tauhan ng UN at pinahintulotang representante ng mga NGO. Isa pa ang Nag-kakaisang mga Bansa may mga 400 off-site na lagakang aklatan na nakakalat sa buong mundo, kung saan matatagpuan ang kaalaman tungkol sa mga maraming mga agensiya at programa ng Nag-kakaisang mga Bansa na maaring tunghayan ng publiko. Ang sinabi ng Bantayan ay hindi makakapasa sa isang pagsusuri.

Ang liham ng Bantayan sa mga sanggay ay nagsasaad: "Registration papers filed with the UN that we have on file contain no statements that conflict with our Christian beliefs."

Ito ay isa ring pagsisinungaling. Ayon sa DPI (Department of Public Information) ng Nagkakaisang mga Bansa, ang mga kandidato sa paka-NGO ay maingat na sinasala at kailangan tumugon sa mga nakatatag ng pamantayan upang matangap. Ayon sa sagot ng DPI sa mga katanungan ng mga Saksi ni Jehova, ang Bantayan ay tinangap bilang NGO, dahil sa umayon sila na tanqkilikin ang Nagkaka-isang mga Bansa. Sa di-kabuunan ito ang sinabi nila: "By accepting association with DPI, the organization agreed to meet criteria for association, including support and respect of the principles of the Charter of the United Nations and commitment and means to conduct effective information programmes with its constituents and to a broader audience about UN activities." (Kalakip ang sagot ng UN; maaring tunghayan sa Internet.)

Isa pa ang mga NGOs ay kailangan magpadala sa DPI ng katunayan na nagbibigay kaalaman nga sila sa publiko tungkol sa mga programa ng UN. Ginawa ba ito ng Bantayan? Oo, katunayan sumulat pa nga sila ng particular na mga artikulo na gayon ang tunguhin.

Halimbawa ang Gumising! ng Nobyembe 22, 1998, ay itinalaga sa pagpuri ng Declaration of Human Rights ng Nag-kakaisang mga Bansa sa ika-50 anibersaryo nang pag-pirma nito. Ang tinutukoy na Awake! Ay nakalista pa nga sa website ng UN. (Tingnan ang kalakip ng kumento galing sa Global Policy Forum)

Isa pang halimbawa ay ang Bantayan ng Octobre 1, 1995, na mayroong isang artikulong pumupuri sa UN sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag nito nuong 1945. Isa pang halimbawa ay ang Gumusing! ng Disyembre 2000, na pumuri sa UNICEF isang ahensiya ng UN. Kung susuriin natin ang Watchtower CD-ROM makikita natin na sa panahon ng pagiging NGO mula 1992-2001, mas maraming reperensiya sa Gumusing! sa Nag-kakaisang mga Bansa kaysa sa kaharian ng Diyos. Ang mga reperensiya ay hindi nga pumumuri ngunit ito lang naman talaga ang obligasiyson ng Bantayan bilang NGO, na ipahayag ang informasyon---kahit gaano ka inosente.

Maliwanag na ang Bantayan ay gumawa ng isang tuso at sinadyang pagsisikap na mag-"conduct an effective information program... to a broader audience about UN activities," na siyang kailangan sa lahat ng kilalang NGO. Kung hindi nila ito ginawa malamang na ang Samahan ay natangal sa pagka-NGO.

Isa pa alam ng Bantayan na ang ibang mga institusiyon ay nakakakilala sa kanya bilang isang NGO. Bakit natin alam ito? Noong Octobre 2000, ang Bantayan ay sumali sa Vilnius International Forum on the Holocaust. Ang Bantayan ay nakalista kasama ang ibang pang mga internasiyonal na NGO. Si Brother James Pellechia ang kumatawan sa Bantayan sa harap ng forum. (Link to the Vilnius forum: scroll down, WT listed at bottom.)

Isa pa nuong Oktubre 1999, ang gobiyerno ng Australia ay nagkaroon ng isang pagsusuri upang magkaroon ng mas mabuting cooperasiyon ang mga gobiyerno at ang mga NGO. Dalawang opisiyal ng Bantayan ay naroon at humarap sa Joint Standing Committee of Foreign Affairs, kasama ang mga kinatawan ng mga nananampalatayang mga Judiyo, Muslim, at Orthodox.

Ngunit and sulat ng Bantayan sa mga sanggay ay nagsabi: "Still, the Criteria for Association of NGOs - at least in their latest version-contain some language that we cannot subscribe to. When we realized this, we immediately withdrew our registration. We are grateful that this matter was brought to our attention."

Ngunit dahil na sa ang Bantayan ay dumalo sa Vilnius Holocaust forum at sa Australian inquiry bilang internasiyonal na NGO, at ang mga kapatid ay taon-taong nagpaparehistro at nag-bigay ng halimbawa ng kanilang gawain sa DPI ng UN matagal na bago na ang "matter was brought to [their] attention," wala tayong ibang masabi kundi and pahayag ng Bethel ay isang maliwanag na kasinungalingan.

Malamang na matagal nang alam ng mga nangugunang mga kapatid kung ano ang kailangan sa mga NGO at sila ay naging masikap sa pagtupad sa mga patakaran ng UN. Maliwanag na umalis lang sila sa kanilang pagpapatala at nagsinungaling ng mabulgar sila ng artikulo sa Guardian; at kahit na ang relasiyong NGO ay wala na-ang kasinungalingan ay naiwan.

Maaring sabihin ng ilan sa mga kapatid na ang usapang NGO ng Watchtower ay maliit na bagay lang. Ngunit mabuting alalahanin natin ang integridad ng mga Saksi ni Jehova sa Malawi noong mga taon ng 1970. Maaring maalala ninyo na ang gobiyerno ng Malawi ay nag-utos na lahat ng kanyang mamamayan na bumili ng isang 25-sentimos na tarhitang politiko. Ngunit ang mga Saksi ni Jehova ay mahigpit na tumutol dahil nakikita nila ito bilang isang kompremiso sa kanilang pagiging neutral sa politiko. Dahil dito ay sinuspende ni Presidente Banda ang mga karapatang civiko at ang mga kapatid na lalake at babae ay nabuntunan ng malupit na atake at marami ang nasawi. Ang mga kapatid na lalake ay nawalan ng kanilang mga trabaho, mga negosyo at bahay. Ang ating mga kapatid na mga babae ay ginahasa ng mga pangkat ng kalalakihan. Karamihan sa mga kaibigan ay napilitang tumakas sa bansa at manirahan sa mga kampo ng mga takas. Ngunit ang kanilang walang kompremisong paninindigan para sa kaharian ni Jehova ay nagsisilbing inspirasiyon para sa lahat ng mga Saksi ni Jehova hanggang sa ngayon.

Sa kabilang dako ang Watchtower ay nagkanulo kay Jehova at sa lahat ng mga Saksi ni Jehova. Ni wala sila sa panganib kagaya ng ating mga kapatid sa Malawi, ngunit ginawa nila ang lahat upang makipagkasundo sa Nagkakaisang mga Bansa na pinangakuan nila ng kanilang pagtangkilik at kooperasiyon, isang agensiya na dapat nating makilala na isang huwad na pumapalit sa kaharian ng Diyos. Hindi lang iyon nilinlang ng Bethel ang milyon-milyong mga publiser at mga piyuner upang ipamudmod itong maka-UN na propaganda sa publiko. Kaya nga ang buong organisasiyon ay narungisan sa mata ng Diyos. Hindi ito isang walang kabuluhang paratang ng mga kalaban ayon sa pahayag ng Watchtower.

Ang tanong, dahil sa itinuring ni Jehova na isang akto ng pag-aapostasiya nang ang sina-unang Israel at Juda ay gumawa ng makakompremisong pagkaka-sundo sa mga nakapaligid na bansa, ano kaya ang tingin ng Diyos sa kasalukuyang sitwasyon? Hindi ba itinuturo mismo ng Watchtower na binigyan ng disiplina ni Jehova ang organisasiyon nuong 1918-19 dahil sa ilang pagkakamali at kompromiso? Ngunit ang usapang NGO ng Watchtower at ang pagtatakip na kasinungalingan ay mas grabe kaysa iyong mas maliliit na kompromiso noong nakaraan. Bakit nating iisipin na si Jehova ay hindi na lang titingnan ang ating pagtataksil ngayon? Alam natin na si Jehova as maawain at magiliw, ngunit ang batas na sinusunod ay "ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan."

Marahil ang salita ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremias ay tamang-tamang nagsasaad ng ating kasalukuyang spirituwal na kalagayan: "Maging ang siguana sa langit—nalalaman nitong lubos ang kanilang mga takdang panahon; at ang bato-bato at ang sibad at ang tarat—sinusunod nilang mabuti ang panahon ng kanilang padating. Ngunit kung tungkol sa aking bayan, hindi nila napag-alaman ang kahatulan ni Jehova."

Ang totoong problema ay ang ating maling paniniwala na sinimulan na ni Kristo ang paghuhukom sa kabahayan ng Diyos noong pang 1918. Dahil sa kamaliang iyon, wala tayong makasulatang dahilan upang maghintay ng isang pagsusuri ng templo sa hinaharap. Ngunit tingnan ang ating teksto para sa taong 2004. Sinabi ni Kristo sa kanyang mga pinahirang mga alipin na “manatiling nakabantay” sa biglaan at maka-magnanakaw na pag-dating ng kanilang panginoon; malinaw na noon mangyayari ang paghuhukom sa mga alipin ng sambahayan ng Diyos. Makatuwiran na sa panahong din iyon "aatasan niya sila sa lahat ng kaniyang mga pag-aari."

Dahil sa gayon nangagahulugan na ang balakyot na alipin ay naroon pa rin autoridad kasama ang tapat na alipin sa loob ng pinahirang sambahayan ng Diyos. Tiyak na ang influwensiya ng di-tapat na alipin sa loob ng Bethel ay siyang dahilan upang maipaliwanag ang kaaba-abang pagiging di-tapat ng Watchtower sa pangyayaring NGO. Dahil sa nabangit, dapat nating tunghayan ang aplikasiyon ng Jeremias 5:26 sa ating kasalukuyang kalagayan, Kung basahin: "Sapagkat sa gitna ng aking bayan ay may nasumpungang mga taong balakyot. Lagi silang nagmamasid, gaya ng pagyukyok ng manghuhuli ng ibon. Naglalagay sila ng kapaha-pahamak na bitag. Mga tao ang hinuhuli nila.”

Naging bulag tayo. Hindi kataka-takang nagtanong si Jehova sa kanyang mga saksi, sa ika-42 kabanata ng Isaias: “Sino ang bulag, kung hindi ang aking lingkod at sino ang bingi na gaya ng aking mensahero sa isinugo ko? Sino ang bulag na gaya niyaong ginantimpalaan, o bulag na gaya ng lingkod ni Jehova? May kinalaman ito sa pagkakita ng maraming bagay, ngunit hindi ka patuloy na nagmasid. "

Inutusan ni Jehova ang kanyang bantay: "Sumigaw ka nang buong lakas; huwag kang magpigil. Ilakas mo ang iyong tinig na parang tambuli, at sabihin mo sa aking bayan ang kanilang pagsalansang, at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan." (Isaias 58:1)

Tumbalik sa comentariyo ng WT's sa naturang versiculo ng Isaias na nagsabing: “Anong buting ehemplo para sa makabagong panahong mga Saksi ni Jehova ang pagbabata ni Isaias, na inatasan na ipahayag ang Salita ng Diyos at ibunyag ang “religiyosong pagkukunwari!” Ngunit nang inatasan ni Jehova si Isaias na ibulgar ang mga kasalanan ng mga taong tinawag ng Diyos na “aking katauhan”, bakit natin sinasabi na ito ay tumutukoy sa sang-kakristiyanohan at hindi sa ating sambahayan?

Kung buong sigasig nating itinuturo ang hipokrasiya ng Sang-kakristiyanohan, di ba dapat maging mas masigasig tayo na ilantad ang religihiyosong pagkahipokratico ng mga Saksi ni Jehova dahil tayo ang kumakatawan sa Diyos na Jehova? Ang hindi pagawa nito ay napakalaking hipokrasya sa panig natin.

Marami nang mga Saksi ni Jehova ang natisod dahil sa hipokrasya ng Watchtower sa bagay na ito. May mga matatanda na nang malaman ang tungkol sa bagay NGO ay umalis sa kanilang posiyon ng pangangasiwa. May mga publiser na nabahala tungkol sa bagay na ito na ito, at nang nakapagsalita sila tungkol dito sa mga kapatid ay natagpuan nilang pinagbibintangan ng apostasiya ng mga matatanda na hindi makapaniwala. Inilagay ng Watchtower ang mga matatanda sa isang situwasiyon na hindi kaingit-kaingit, ang itiwalag ang mga Saksi ni Jehova dahil sa nagsasabi ng tutuo. Nakapanlulumo!

Dahil sa nakakabahalang situwasyong ito sa at sa walang pasalang kasiraan na sa pangalan ni Jehova, hinihimuk ko kayo na bigyang pansin anag bagay na ito sa lalong madaling panahon. Tiyak naman na ang katotuhanan ay lalabas sa kalaunan. (Ec 12:14) Dahil dito hinihimuk ko kayo bilang mga tagapangasiwa at kapwa Saksi na isa-isang tumindig para sa katotuhanan at kabanalan. Inaasahan ko na gagawin ninyo ang tama at pag-uusapan ang bagay na ito sa inyong mga lokal na matatanda, nangagasiwa na sirkito at nangagasiwa ng distrito.

Sa pagkamatapat, isa sa mga Saksi ni Jehova

Lagda: Tunay na pangalan nasa copiya ng liham

Kasama ito ng isang pandaigdig na kilusan. Para sa dagdag na kaalaman magpunta sa:

http://www.e-watchman.com


Gepubliceerd op: 20 Maart 2004